5.17.2006

monotonous

dati gusto kong magtrabaho. kala ko enjoy pag may trabaho ka na. may sweldo ka lagi. may bonus pa minsan. mabibili ko na gitarang gusto kong bilhin. magpapakabit na rin ako ng cable para makapanood ng nba (at p@#no sa gabi...). sarap siguro magtrabaho.... noon yon.

ngayon nagtatrabaho na nga ako. hindi ko alam kong matutuwa ako o malulungkot. biglang bumabait nanay ko pag araw ng sweldo (himala!!). nabili ko na rin gitara ko. marami na akong mabibili. pero ewan ako. hindi ako masaya. nagsasawa na ako. ganito na lang ba ako habang buhay (SHIT!!) ?. hindi ko alam kong anong kulang. nakita ko na rin naman siya (mp3 ko sirain mo na...). ok lang din kung mamatay ako ngayon o bukas. wala akong pakialam. bakit nga ba?? ewan...

5.08.2006

restart...

"pare boto ako sa kanya kasi tao ka na uli"

siyet... oo nga no. kelan ba ko nagpahiram ng mp3 player na ilang buwan kong pinaghirapang ipunin? kelan ba ko nag-alala para sa isang tao? di ako umiinom dati pero ngayon... sarap pala pag lasing ka. bato ba ako dati pare? buti na lang hindi mo sinunod payo ko na mag-break kayo ng syota mo. martir ka kasi... ok lang naman na tapusin, sabihin lang dahilan. yun lang naman hiniihingi ko dati. may utang pa nga sa kin yun eh (ayoko rin naman pabayaran...). hindi ba niya alam kung ano naramdaman ko noon? ano nga ba... lately gumawa siya ng "move" pero nagkamali na naman siya. hindi lang ako makapaniwala na nagawa niya yun. mabait naman siya. yung ang "alam" ko. maganda pa... wag mo naman sagutin lahat ng nanliligaw sa iyo. ewan... good luck na lang sa iyo. nga pala siguro tama ka nung sinabi mo na "pag nakita mo siya uli malalaman mong siya pa rin mahal mo"...

after 6 years, nagkita uli kami. siyet... kelan ko ba uli nakita yung mga mata na yun. hayskul yata. nagulat din ako kasi may naramdaman pa rin ako sa kanya. buti na lang uncommitted din siya tulad ko. desidido na ako pare... gusto ko nang bumalik sa kanya. hiniram nga mp3 player ko eh. hindi man lang ako tumanggi. nasa kanya rin cap ko. natatawa tuloy ako pag nababasa ko text mo "ganyan talaga mga babae. sa susunod wallet mo na kukunin nila. tapos pati brief. tapos... yung nasa loob ng brief." ok lang... hehe... basta ba kasama ko siya lagi eh. sana nga magkabalikan na kami. magdasal daw ako sabi ng tita ko. nakalimot daw ako sa diyos. umiinom na daw kasi ako ngayon. hayaan mo tita bibigyan ko ng beer si san pedro... nga pala text ka pag nakauwi ka na... gusto ko nang makinig sa mp3 player ko kasama ka...

8.30.2005

simple

habang nakasakay ako sa traysikel kanina, nakita ko ang isang bata. tuwang-tuwa siya habang nilalaro ang isang lubid na paminsan minsa'y nililipad ng hangin. "buti pa siya walang problema", naisip ko. hindi na niya kailangang isipin na 7.50 na pamasahe sa dyip. uupo na lang sa mesa para kumain. walang problema sa gastos.

teka... bakit nga ba dami nating problema? kung tutuusin hindi naman ganun kakumplikado ang buhay. marami namang simpleng paraan pero kadalasan, binabaybay natin ang mas mahirap na daan. gusto kasi natin ang hamon, ang mga mapanganib, at delikadong bagay. bakit? maiksi lang kasi ang buhay. mas maiintindihan mo kung bakit ka nandito sa mundo kung haharapin mo ang mga mapanghamong hamon ng buhay. makapagtrabaho na nga...late na naman ako...

8.26.2005

malas

syet.. nawala celphone ko nung lunes tapos kanina hindi ko nakuha yung sukli ko na 400+ pesos. ilang araw kong pamasahe yun. sa lunes ko pa makukuha (sana..) baka bukas patay na ko... sana...

ang pagkalas

ilang taon na rin ang lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo
"siguro alam na niya na kakalas din siya sa bandang huli". ito naisip ko habang naliligo ako kanina. bakit nga ba kumalas si ely buendia sa eraserheads? matagal na pala niyang binanggit ang kasagutan sa tanong na ito sa kanyang mga kanta. noong kumalat ang balita na humiwalay na si ely, hindi na ako nabigla. bakit? hindi ko alam. siguro dahil parehas kami ng kalagayan. gusto ko ring lumaya sa walang patid at masalimuot na pag-inog ng kapaligiran. nakakahilo... nakakabangag...

sabi nila palubog na si ely ngayon. bakit kaya? dahil ba hindi na mabenta ang kanyang mga album? konti na rin ba ang mga raket niya? hindi ko alam... ang alam ko lang, lahat ng bagay ay may dahilan. hindi ba mas masarap kung gusto mo ang ginagawa mo? hindi ka man sikat... hindi ka man kilala... mahal mo ang ginagawa mo... kaya ely, sana nakita mo na ang hinahanap mo... sana ako rin...

8.25.2005

sumingit

hindi ka ba marunong pumila?!? kanina pa ko dito tapos sisingit ka lang! nagrereklamo ka kay gloria. bakit mahal na ang pandesal at tuyo? bakit 7.50 na ang pamasahe? bakit laging traffic? bakit maraming pulis na nangongotong? pu&^@%^na! tingnan mo nga muna sarili mo... pipila ka lang hindi ka pa marunong. dun ka sa dulo hindi dito sa gitna!

8.24.2005

unang labas

pano ako magsasalita kung wala akong sasabihin?
pano ako magrereklamo kung wala akong karapatan?
pano ako bibili kung wala akong pera?

gusto kong kumanta
gusto kong lumangoy
gusto kong lumaya
lumaya sa isang kulungang ngayon ko lang nadama
gusto kong magpahinga mula sa walang patid na pagbuhos ng walang katapusang impormasyon
gusto kong mag-isa
malayo sa problema
malayo sa kanila
kelan ako makukuntento?
kelan ako hihinto?
gumising ka...